Etched in My Mind – Shiela Irinco
I treasure many fun memories in my high school life.Maraming kalokohan at kabalastugan din akong napasukan at naexperience with my hs buddies.
I can still remember the time na nagpapatintero kami sa gitna ng quadrangle kahit kinansel na ang klase at kami na lang tao sa buong school. Nakita pa nga kami ni Mam Puring nun pero di niya kami sinaway.
Pinakamemorable place sa kin---Extensive Reading Room…
Dun kasi nabuo yung pagkakaibigan at pangarap naming 13- Kelvin, Angelica, Justine, Shiena, Allen, Eddie, Aloha, Rio, Rogel, Jomark, Rosario, Mary Joy…(pasensya na sa hindi ko nabanggit.)
Lagi kaming nasa extensive reading room tuwing hapon. Ang rason nga namin nun sa mga parents namin, “Kailangan po kasi naming magpractice para sa DSPC”…eh, dumating yung time na tapos na ang division press con…so, wala ng bonding moments sa extensive. Hindi na kami makakapagharlem at Macarena...
But, sadyang matitigas lang ang ulo naming magkakaibigan…nagpatuloy kami sa pagstistay sa ERR kahit wala ng rason para magpahapon kami.
Hindi naging problema sa min yung pananghalian kasi limang pisong kanin lang with ketchup as our ulam o di kaya yung tigpipisong cheepee o tattoos, carry na ang lunch…hehe…kaya ako pumayat ng bongga nun eh…
Pinapalayas na nga kami ng mga teacher eh kasi taong school na kami…sabi nga ni mam dela cruz nun “Hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang nyo? Magsi-uwi nga kayo! ” hehe…(thank you nga pala mam sa softdrinks na binigay nyo dati)…nakakatuwa lang balikan…sabi din ni mam pie nun, “Mga anak, nandito pa kayo?”…mas nauuna pa nga silang umuwi ni superman kaysa sa amin… Pag-uwi namin sa bahay, super pagod at borlog na…hay…
Kagrupo ko din silang 12 sa subject na Filipino ni Mrs. San Diego…madami kaming kalokohan pagdating sa reporting…most of the time kami ni Shiena ang script writer…pero I would say na sa lahat ng mga naging reportings namin, hindi lahat nasunod sa script…mahilig kasi kaming mag-adlibs…kaya hayun!Riot! hehe…nakakatuwa kasi gamay namin yung bawat isa kaya nag-babatuhan na lang kami ng mga punchline- on the spot…
Bawal ang pakyeme-kyeme pag kagrupo ka namin…actually, wala na nga kaming dangal nun eh…pano ba naman, puro kahihiyan yung mga pinaggagawa namin pag reportings…nandyan yung mag-ala- encantadia kami o di kaya magsuot ng mga pang pulubi at mga anik-anik na hindi para sa normal na tao..hehe..kung iisipin ko lang lahat ng ginawa ko noon, naku! NAKAKAHIYA!hehe..pero,,,sa bawat reportings namin…nakakatuwang makita na responsive yung mga audience—the rest of Rizalians…Pag tumatawa sila sa mga jokes namin, masarap sa pakiramdam…sounds cheesy, but it’s true! Kahit yung pinakaTUOD na tao sa room, basta makita namin ngumiti, nakakainspire magpatawa…naks!hehe…para na kaming clown sa harapan…haha…
Pero seriously, I am really blessed to have friends na nandyan pa rin no matter what happen... My father’s death would be the best example…kahit may kanya-kanya na kaming buhay, nandyan pa rin di lang yung 12 na mga close friends ko nung high school kundi maging yung iba pang mga kaibigan at mga taong kahit di namin gaanong napansin ni Shiena nung high school- nandyan para dumamay sa min…
With that, I would like to take this opportunity to say “Thank you” sa inyong lahat!!! Naging meaningful ang high school life ko because of you guys!!! (cheesy mode) hehe…basta I promise na pag may enough time and money na ako, I’ll make a bonggang2 reunion for us. Hindi lang basta reunion…gusto ko yung memorable talaga at pinaghandaan ng lahat…Saranghae!!!
Still witty and pretty,
Shiela
1 comment:
Hello. My wife and I bought our house about 6 months ago. It was a foreclosure and we were able to get a great deal on it. We also took advantage of the 8K tax credit so that definitely helped. We did an extensive remodeling job and now I want to refinance to cut the term to a 20 or 15 year loan. Does anyone know any good sites for mortgage information? Thanks!
Mike
Post a Comment