Today is March 13, 2009. Today is his day. It's been 2 years na pero it seems na kahapon lang siya nawala. Sabi nila malas daw pag natapat ang 13 sa Friday. Pero mukhang hindi naman toto pag sa akin. Ngayon wala naman masamang nangyari sa'kin at sa katanuyan, umaayon pa nga ang swerte ngayong araw.Siguro nakabantay kasi siya sa min nina nanay, shiena at shane. Nakakatuwang isipin na lalo pa kaming naging matibay bilang isang pamilya dahil sa nangyari. Nawala man ang isa sa miyembro ng tinatawag kong pinakaunique na pamilya, napalitan naman ito ng lalong pinagtibay na samahan at pagmamahalan. Si nanay at si Shane kahit di man namin kasama, ramdam kong iisa lang ang mga sigaw ng puso namin. Lahat ng ito ay dahil sa nag-iisang haligi ng aming tahanan- si tatay. Kahit masakit man ang kanyang pagkamatay, nagdulot naman ito ng samu't saring experiences na itetreasure ko s tanang buhay ko. Nung lumabas ang balitang namatay siya, madaming nakiramay na kahit di namin kilala ay nakahandang dumamay at tumulong sa amin. Dun ko lang nalaman na mabait at palakaibigan pala ang tatay ko. Halos buong miyembro ng Muzon Toda ang nakiramay at halos mapuno ang bahay namin ng mga kapitbahay kahit sa kabilang bayan pa nagmula. Ganun pala si tatay. Lahat ng mga prinsipyo ko sa buhay, sa kanya nagmula. Lahat ng masasayang moments, siya rin ang nagdulot. Siya ang dahilan kong bakit ako naging matapang na sumuong sa hamon ng buhay. Siya rin ang nagturo ng mga asal na tinataglay ko ngayon. Kasama ko siya sa pagbuo ko ng mga pangarap. At patuloy akong lalaban para sa kanya. Maraming Salamat Tatay...Nawa'y masaya ka sa iyong tahanan>>>>
No comments:
Post a Comment